Daddy's Girl
This blog could be the most personal for me, let me write in our own language so I can express my thoughts better...
"Ndi ko na maalala kung kelan kami huling nagkita ng tatay ko. Siguro noong isang taon? Nung kasalukuyang nasa ospital yung lola ko at kailangan naming maging matatag bilang isang pamilya. Ndi ako sigurado kung yun yung huling beses na nakasama ko siya... pero yun ang naaalala ko. Isang taon bago makita uli ang isang ama... ndi ko alam kung paano nangyayari yung ganun, nakakalungkot minsan pero baka nasanay na lang din kasi kami na ganito na lang.
May sakit yung tatay ko ngayon, pero pasalamat kami na nagagamot yung kung anumang meron siya. Kailangan niya lang ng pahinga at tuluyang gamutan. Dun ko biglang naisip na, "kailangan pa bang magkasakit siya bago ako gumawa ng paraan para makita at makasama siya?" pero nde... isa lang siguro yun sa mga dahilan kung bakit inilaan ko ang araw na toh. Nakakatuwa sa pakiramdam yung tipong pagdating mo dun, para kang artista... lahat sila pinagsisilbihan ka, tinatanong kung gutom ka pa, anong gusto mong kainin.. yung para bang ndi sila magkandaugaga kasi andun ka. Haha. Anlaki ng pinayat ng tatay ko, mas mapayat pa dati na na mapayat siya. Nakakalungkot isipin na napapabayaan niya yung sarili niya, pati yung ipin niya na halos puro sira na... ewan ko, ang sakit sakin na makita yun. Iba na kasi yung pakiramdam ngayon eh. Oo, nagkamali yung tatay ko... nakagawa siya ng mali noon kung bakit nawalan siya ng pamilya, pero alam kong pinagsisihan na niya yun. Kaya pag may pagkakataon na tulad ng kanina, papuslit-puslit lang ng oras para maging ama ulit siya sakin. Anak niya ko, kaya mararamdaman ko yung pagkamiss niya sa mga anak niya... na ginagawa niyang mga alaga yung mga bata dun sa kanila kasi ndi niya magawa samin. Anlaki din naman siguro ng pagkukulang namin sa kanya bilang anak, kaya grabe lagi kong pinagppray na sana bigyan Niya ko ng pagkakataon pa para maging anak sa kanya... at siguro ito na yung simula. Andami kong gustong gawin para sa pamilyang toh, pero ndi ko alam kung san ako magsisimula. Ndi ko alam kung ano, pano, kailan, at saan ko gagawin yung lahat ng pumapasok sa utak ko. Ito yung mga pagkakataon na kahit kailan ndi ko maipagpapalit sa kahit na ano... yung makita mo lang na natuwa yung tatay mo kasi nakita ka niya uli? Ang saya ko na nun.
Siguro masyado kong emosyonal pagdating sa pamilya ko... kabilang man kami sa mga sirang pamilya, pero alam ko may dahilan naman Siya kung bakit nangyari toh lahat. Ndi na din naman ako umasa pa na maaayos ulit, gusto ko lang magampanan yung responsibilidad ko sa kanila bilang anak. Sobrang miss ko na yung magkaron ng tatay, yung tipong pag nasasaktan ako alam kong may isang lalaking mahal ako kasi ako toh... ndi dahil kailangan kong maging ibang tao. Minsan, naiinggit din naman ako sa mga anak na super close sa tatay, kasi gusto kong ganun din ako. Inggitera lang ahaha. Ndi man ganun kaganda yung mga tumatak na alaala ng tatay ko sakin nung bata ako, narealize ko naman na sa ikabubuti ko yun habang lumalaki ako. Yung tipong dati-rati, bawal kaming masugatan kasi papaluin niya kami... lahat ng mali namin, magagalit siya at papaluin kami... yung ndi ako pumasa ng entrance exam dati tas sinampal niya sakin yung envelope na hawak niya sa harap ng maraming tao. Dun ako nagsimulang magpursige... na mag-aaral ako mabuti para ndi na ko mapapalo, pero ewan... magic ako mag-aral eh. Sa kabila ng lahat ng yan, alam ko naman na ginawa niya yan para samin... para sa ikabubuti namin. Tignan mo ngayon, ang ganda ng epekto na ayaw niyang nagkakasugat kame, kasi ndi puro peklat yung binti namin. Galing lang. Namiss ko yung mga araw na siya naman yung nag-aalaga at kasama namin...
Gusto kong maiyak kanina, kasi sobrang ramdam ko yung pangungulila niya samin. Nakakalungkot isipin na kung sana pwedeng ako naman yung mag-alaga sa kanya, ang hirap pa. Ito yung pakiramdam na handa mong ipagpalit yung lahat para lang makasama siya ulit ng matagal. Naghahalong kasiyahan at kalungkutan yung nararamdaman ko, pero sana sana tulungan Niya ko na magawa yung kailangan kong gawin bilang anak. Sobrang thankful parin naman ako kasi nabigyan ako ng pagkakataon ngayon, andami ko lang naiisip ngayon. Paki-alagaan Mo po yung tatay ko kung san man siya mapunta. Miss ko na tatay kooooooo, at sana alam niyang ndi ako nagsisisi na siya yung tatay ko. I love you pa, salamat sa araw na toh."

0 comments